Pamati – Closing Remarks by Grace Duenas

PAMATI – PASASALAMAT

by Grace Duenas

Maayong hapon. Una po humihingi ako ng pasensiya sa aking mga ninung Bisaya dahil hindi ako magaling mag-salita ng Cebuano, Waray, Kinaray-a, at Hiligaynon.  

Good afternoon. First I would like to ask for understanding from my Bisayan ancestors since I am not fluent in Cebuano, Waray, Kinaray-a and Hiligaynon.  

Sa amin pong mga taga Center for Babaylan Studies (sa USA) kasama ang mga kaibigan naming taga-Canada, at isasama ko na rin po ang mga kailangang i-report back ng mga estudiante.

This is from those of us from the Center for Babaylan Studies (in the USA) along with our friends from Canada, and I will also include the report back from us students.

Una po, malaking karangalan sa amin na makasama kayo, ang aming mga elders, mga babaylan po namin.  Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong mga banal na pagtuturo at pagbabahagi. Kung ang bayan po natin ay ang perlas ng silangan, kayo po ay ang perlas ng ating bayan. Dahil po pinaaalala ninyo sa amin na sa kataastaasang Diyos at mga Diwata,  nga banal na Ambian, na kayo po ang tulay sa mga kaugalian at kaalamang katutubo na dapat nating laging maalala at mahalin. Iyon ang nais naming sabihin sa inyo, na  nagpapasalamat kami sa inyo.

First, it is a great honor for us to be with you, our elders, our babaylans. We are deeply grateful for your sacred teachings and sharing. If our country is the pearl of the east, then you are the pearl of our country. You remind us that for the Highest God and the Goddesses, the sacred Ambians, you are the bridge to our indigenous customs and wisdom that we need to always remember and love. That is what we would like to share with you, that we are grateful to you.

Kasama na po doon ang aming pakikipag-dadalamhati sa inyo at sa mga nangyayari sa ating bayan, sa ating mga babaylan, at sa ating mga kabataan. Sa amin po na nakatira sa diaspora na hindi po dito nakatira sa Pilipinas, isa pong malalim na pag-aaral na maalala namin na kung anuman ang pinagdaraanan ninyo, yun din po ang pinagdaraanan ng iba pong mga katutubo. Kaya naman po tulad nung sinabi ni Paring Bert na ang mga katutubo ay ang kinabukasan natin, hindi lang po iyon ang kinabukasan, iyon din po ay ang dapat nating balikan dahil sa inyo po (namin natututunan) na hindi lang simbahan o templo ang sagrado kung hindi mismo ang Inang Kalikasan. Yung mga puno po, hangin, Batahala Nawa Ka,  lahat (pong banal) ay nandoon na sa ating wika. At kailangang po nating maalala. Ang pinagdadalamhati po namin ay hindi lang ang pagkawala ng ating wikang katutubo. Laging tinuturuan tayo na ang English lang ang kailangang malaman, atsaka doon po sa amin mga na hindi lang Tagalog, lagi namang sinasabing mag-Tagalog lang. Masarap sa amin na makasama kayo dahil kayo po ay buhay na buhay. At iyon po ang binhi ng ating mga kaalamang (katutubong) Pilipino. Iyan po ang ika-lawang nais naming ipabahagi.

We empathize with your grief for what’s happening to our country, our babaylans, and our youth. For us who live in the diaspora who do not live in Pilipinas, it is a profound lesson to remember that whatever you are going through is similar to the struggles of  other indigenous cultures. Like what Paring Bert had said about how the indigenous is our future. Not only is it our future, it is also that which we need to return to. Through you, you teach us that not only is the church or temple sacred, but that Mother Nature herself is sacred. The trees, the wind, Batahala Nawa Ka, every thing sacred is already embedded in our language. And we need to remember. We grieve not only for losing our sacred indigenous language. We were always taught that we only need to know English, and for those of us who are not only Tagalog, we were always told to only speak Tagalog. It is beautiful for us to be with you because you are alive and thriving. And you are the seeds of our (indigenous) Pilipino wisdom. This is the second lesson that what we would like to share with you.

Ang pangatlo po ay kasama na sa aming pagmamahal sa inyo. Sa pulong po ng mga estudyiante, sa kung ano po ang nasabi ni Father Jerry, ay “Ang ma-in-love sa mga babaylan at ito po lang ay ang simula lang sa pagkakaintindi sa kung ano man ang nangyayari talaga sa ating mga Pilipino.” Tulad po ng nasabi ko, kayo po ang tulay namin para maalala kung ano ang kailangan naming maalala, na pwersang sinira ng mga dayuhan. Kaya po pag-sinasabi po ninyo yung kulay natin, o kung medyo wala tayong napagaralan, o siguro po yung kulay po ng ating balat ay hindi kasing puti ng sinasabi (nila), iyon po ay nararamdaman din namin. Kaya po mas mabuti kung maalala natin yung pinanggalingan natin. Ang lupa po ay ang ganda ganda diba? Kasi kayumanggi siya. Iyon po siguro, dito naman tayo naggaling, kailangan nating mahalin iyon. 

The third emcompasses our love for you. During the gathering of the students, like Father Jerry said, “To fall in love with the babaylan is just the beginning of learning the truth about what is truly happening with Pilipinos.” Like I said, you are our bridge to remembering what we need to remember all that was forced to be forgotten by our colonizers. That’s why when you speak about our color, or how you do not have enough education, or that the color of our skin is not as white as they speak of, we feel for you (we feel it too).  Thus, it’s better to remember where we came from. And isn’t the earth (soil) is so beautiful? It is because she is brown. Maybe because it is where we came from, that’s why we have to love her.

At sana po, para sa aming mga estudyiante, ay maipamuhay namin ang mga kaalaman na itinuturo ninyo sa amin kasi hindi lang po ito kuro-kuro o mga usapan ng mga matatanda na hindi na buhay. Sa pagtitipon-tipon natin sa buong linggong ito, tinuturuan po tayo ng Inang Kalikasan na alalahanin natin na ito po ay talagang totoo. Hindi lang po natin dapat baliwalain tulad po ng ating mga sinusuot. Dahil sa konting napag-aralan ko sa pag-lalaga lahat po ang kulay na sinusuot po ninyo ay may meaning, lahat po ng disenyo ay may meaning, kaya pag-sinusuot po natin ang mga tradisyonal nating kasuotan, ito rin po ay isang awit ng pagmamahal natin hindi lang sa Inang Kalikasan but sa ating kultura. Sa buong Pamati, (natutunan naming na) kailangan po namin kayong  alagang pakinggan at respetuhin po lahat ng tinuturo po ninyo sa amin.  

And for those of us who are students, we hope that we can embody the wisdom that you have taught us because it’s not to be dismissed as only hearsay or talk of the elders that is no longer alive. During our gathering this entire week, Mother Nature teaches us to remember that it is truth. We should not take our environment for granted similar to how we invalidate what we wear. Of what little I know about weaving, I know that the colors that you wear having meaning, every design has meaning, that’s why when we wear our traditional clothing, it is also a song of love not only to Mother Nature but also to our culture. Throughout Pamati, we learned that we really have to listen and respect everything that you are teaching us.